Thursday, October 9, 2008

jupongan 101!

Hay nakakatuwang gabi to kasi naman umalis sina iskular at monjirou para ihatid sa Nelet sa kasamaang palad ehn naiwanan kami pero sa pagbalik namin ni randy at kevin eh may na kita kaming kakaibang ginagawa,ung una akala namin eh nakatayu lng pero nung nilapitan namin ay nagjujupungan pala ang dalawa ah mga tao talaga pakalatkalat kung saan na abutin eh.

Tuesday, October 7, 2008

pwede pa bang mag-QUIT!!

Sa buhay natin maraming pagsubok yun bang mga problema at sitwas yon na mahirap talagang lampasan,, sa katunayan nga sa sitwaswasyon ko ngayon hirap na hirap na ako,, yun bang tipong gusto ko nang sabihin at isigaw sa lahat ang katagang "itigil ang pag ikot ng mundo bababa na ako!!!',, kasi napapagod narin akong pasanin ang problema ng iba ang isipin ang mga isiping dapat ay hindi ako ang gumagawa,,tulad ngayon kailangan ko minsang mamili papasok ba ako o magtatrabaho,, nakakahili ng yung iba na basta nalang humihingi ng pera en ako kailangan ko pa minsan lumiban sa iba kong subjects para lang makapagtrabaho.. hay nakakapagod din talaga ang ganitong sitwasyon minsan nga naiisip kong mag-quit nalang.,nasimula ako sa sa sirwasyon kong ito eh sixteen years old palang ako,,Sa laki siguro ng responsibilidad ko ngayon di ko na siguro talaga maeenjoy ang pagkabuhay binata ko,, sabi nga ng iba daig ko pa daw ang may anak kung magtrabaho,, misan talaga nakakapog na ang buhay sa naman kahit time out lang meron ako,,,

bakit ganito ako?!

bawat kapalaran ng tao ay nakatadhana na daw, may nagsasabing nakaguhit na daw yun sa ating mga palad,pero ako di naniniwala dun kasi marami ang nagsasabing swete daw ako!!! sus yun pala bola lang hay naku ewan ko ba kung bakit ganito ako di ko maintindihan kung talaga bang ipininanganak ako na malayo sa swerte.., kasi naman lagi nalang ako ang tinatanaan ng malas naiisip ko nga siguro nung nagpasabog si Luciper na kamalasan ay nasa labas ako ng bahay kaya yun ang dami kong nasambot..
kainis naman kasi eh lagi nalang ganito ang nangyayari sa buhay ko,, ilang beses ko na ngang tiningnan kung may balat ako sa pwet kaso wala naman talaga eh,, ehbakit ba ganito ang buhay ko sweswertehin ng isa mamalasin ng siyam hay naku wag na sanang swertehin ako kung panay kamalasan din naman ang kasunod nito.....

isang malaking kapilyuhan

hay buhay talaga parang life..., may mga pangyayaring nakakatuwa at talagang nagiging dahilan ng maraming malulutong na tawa.., gaya nalang ng isang kapilyuhan ng isang tao na itago nalang natin sa pangalang "tampalasang layas" he he he ako din ata yun,,, hanggang ngayon ay di parin matapostapos ang mga halakhakan namin tuwing mapupunta sa topic nayon,, pero sa ngayon hayaan nalang ninyong kami nalang muna ni Ms. Ennaesor ang magshare sa momentum ng aking kapilyuhan.

Saturday, October 4, 2008

ganyan lang ang buhay...

time heals everything,,
lahat ng sakit at alala ng masasakit na nangyari sa ating buhay,,
nawawalang parang bula..
pero di lang din sin dali ng buhay ng bula ang paglimot, xempre masakit sa una para bang mapait na gamot na kailangan nating lunukin para sa mas mabuting resulta...at hayaan nating ang panahon mismo ang bumura ng mga masakit na alala natin,, wag tayong magmadali coz God has a perfect time line for each every one of us,,, and let the time fade all the pain in our hearts in the most natural way,, para di mas masakit tanggapin ang katotohan,, diba!!
pero bakit ba may mga taong pinipilit hawakan ang masakit na nakaraan kesa magmove-on,, ang magdusa kesa ang makaalsa sa lugmok na kalagayan ng pagkatao niya,, sa bagay iba iba naman talaga tayong mga tao ehh,, basta ako susunod nalang ako sa agos ng buhay un bang tipong kung ano ang tugtog ay syaring sayaw kasi kahit naman siguro labanan ko ang agos ng mundo at buhay ay madadala parin ako.,ganyan lang naman talaga ang buhay diba,, para paraan lang yan