Sunday, September 28, 2008

sakit ng paglisan

walang permanente sa mundong ito kundi ang pagbabago,,, kaya siguro dapat nating tanggapin ang katotohanan na lahat ng bagay ay may katapusan,,kahit na ang katapusan nito ay sya ring kahulugan ng pagtigil ng sarili mong buhay,,,
ngunit madali bang tanggapin ang paglisan ng isang tao kung sya ang taong naging pinakamahalagang parte ng buhay mo...,,,ang taong anjan para sumoporta sayo,taong handang ipaglaban ka kahit kasaan,ang taong,minahal at inalagaan ka ng higit pa sa isang tunay na anak,
taong nagpalaki at laging katabi mo sa pagtulog at naging inspirasyon mo para mabuhay at lumaban..
diba mahirap tanggapin lalo na kung kinuha sya sayo ng Maykapal sa pinaka di inaasahang oras lugar at pagkakataon..at lumisan sya sayo ng hindi ka handa..napakahirap talagang tanggapin na sa bawat pagmulat mo ng mata tuwing umaga ay wala na ang taong babati sa yo ng magandang umaga
At mas masakit tanggapin na sa lahat ng pag-aaruga, pagtatanggul at pagprotekta nya sayo ay di mo man lang nasalag ni isang suntok,hampas ng batuta oh sasak na para sa kanya,napaka sakit tanggapin na nawala sya sayo ng wala ka man lang nagaya para sa kanya..
sana makapag move on na ako sa sakit na dulot ng paglisan nya...
xa saka ko nalang itutuloy ang pagsesenti ko may naggugulo kasing ewan dito,, kayo nalang ang humusga sa kanya

Wednesday, September 24, 2008

paalala kay pareng pasahero..

......Maraming bagay tayong pwedeng gawin para lang mapatunayan kung sino at ano ba talaga tayo, pero sana naman pumili tayo ng tamang lugar,panahon at pagkakataon kung kelan natin gagawin iyon...

..... Isang magandang halimbawa niyan ay ang pag-sakay sa jip,,, wag naman sana tayong bumukaka ng parang wala tayong katabi,isipin naman natin na may iba ding pasahero sa jip na di maayos ang pagkakaupo....Kung tayo lang siguro ang pasahero ayos lang kahit ibukaka natin ang mga hita natin kahit pa 180 degrees,marialize din sana natin na nagbabayad din sila ng tamang pasahe...

pare,tol,brad,brad o kahit ano pang tawagan sana naman umupo tayo ng ayos at paminsan minsan ay magpakamagino tayo,,kahit MINSAN LANG.. tandaan din natin na hindi ang pagbukaka sa jip ang sukatan ng ating tunay pagkalalaki.. konting konsiderasyon sa iba..

For The Girl Who I Love Most



i may burn out like a candle

but im ay pass away

i may focus like a shooting star

my heart will stay

i'm yours until forever

forever i'll be true

o the promise i have made

from the day that i found you

forever your in my heart

even if we're apart

CHORUS:

i'll say forever

i'll be yours

forever i love you (2x)




Tuesday, September 23, 2008

Recollection

may isang lingo na ang nakakalipas ng magkausap kami ng isa kong kaibigan,,, she just gave me some piece of advice and reminders... and that conversation made me realize who realy I'am now...
When I went to my bed ,that realization bring me to a recollection, a evaluation for my Self.
I realize that I'm being a self centered person.. in a way that I express my dissapointment in life to the people who surrounds me in a wrong way and manner....

di ko man lang naisip na tulad ko,meron din silang sariling problema.Iniisip ko lang madalas ay ako lang ang taong may problema,,,at umiikot lang ang mundo ng kamalasan sa akin,,,

For those person na naaasar ko sorry for being self centered person.... SORRY SORRY


Dun naman sa naaasar sa akin kahit wala naman akong ginagawa sa kanyang masama sorry ka!!! wala na akong magagawa sayo,, pumikit ka kung ayaw mo aking makita at magtaklob ka ng tenga kung ayaw mo akong marinig di ako magbabago para lang sayo.. I'm just being my self..

Monday, September 22, 2008

Soltera

Wala na bang pag-ibig sa puso mo
At di mo na kailangan
Ang pag-ibig na datiy walang hanggan
Pano kaya ang bawat sandali


kantang dalawang araw nang bumubolabog sa pagtulog ko,,, nakakainis na ha. Kung makapag patugtog animoy xa lang ang tao sa buong Gunaw,, Isipin mo ba namang nagpapatugtog ng pagkalakas-lakas eh madaling araw palang ewan ko ba sa kanya, akala ata niya ay bata pa sya HOY!!!! soltera ka na, wag ka nang magmurang kamyas,,, akala mo naman ay laging in-love eh,,,, as if naman,,, wala man lang akong nabalitaan na nanligaw sa kanya ni isang beses,,,. Sana naman bukas wag kanang ganyan at isipin mong may natutulog pa... Sana din maisip mo na ilang araw nalang ang lilipas at magigi kana ring isang certified P.H.D. (Pang Habambuhay na Dalaga)

Saturday, September 20, 2008

basahin mo to!!!

ayos lang lumaki nang lumaki, magpatangkad, at tumanda nang walang natututunan-- kung puno ka! pero bilang tao, may karne sa loob ng bungo mo na nangangailangan ng sustansya. maraming pagkakataong kakailanganin mong sundutin yon. at sa bawat sundot, tulad ng sundot-kulangot, mas maigi kung may kapaki-pakinabang kang makukuha.

tenga..

pag pinagdikit natin ang ating tenga korteng puso ang lalabas, kasi ang tenga ay extention ng ating puso kaya kung marunong kang makinig marunong karing magmahal
HEP HEP HOORAY!!!!
Hay ang saya namin kahapon,, nanood kami na laro ng CLB,, ang lakas ng hiyawan ng mga ballakatak,, ang mga talairit baga animoy mapipigtal ang mga litid,, mga animoy wala ng bukas,,, ayos lang kahit na natalo ang mga lalake,, nanalo naman ang mga babae,,naging masaya di nanman ang laro eh..sana makapanood ulit kami ng laro next time para maitalairit na ulit namin ang HEP HEP HOORAY.....

Tuesday, September 16, 2008

tulad parin ng inaasahan!!!!!

hay naku narito nanaman ....siguro ipinaglihi talaga ako sa kamalasan kasi tuwi nalang may activity kami eh ako nalang lagi ang nasasabugan ng kamalasan
1. Sira ang PC kong gamit
2. ung nilipatan kong PC ay di kompleto ang Install na VB
3. Kung kelan ako nakatapos sa activity saka naman natapos si sir mag-check
4.mahigit isang oras akong nag-intay para lang lakapasok sa akong blog as usual lagi nalang akong Dine-denied!!!!!
sana tapos na ang kamalasan ko ngayong araw nato!!

Monday, September 15, 2008

Its joke timeIIIIIIIIII

Nagtalo ang mga hudyo at instik kung sino ang nauna sa mundo.
Hudyo: kami, dahil kami ang nagpaku kay Hesus sa krus!
Instik: aber, saan hardware kayo bili pako?


Oiliness is next to blemishes
.ang taong naglalakad na matulin, pawisin.pagkahaba-haba ng prusisyon
, mauubusan din ng kandila.honesty…is such a lonely word.

Tuesday, September 9, 2008

BatangUeƱ areh !!!!!!!

Oh salamat may blog narin ako!!!!!!!
Taga Gunao nga pala ako tubong bolbok